BAKIT MAHALAGA ANG PAGIGING TAPAT?
Naniniwala ako na ang pagiging tapat ay isang aspekto ng pagbuo ng isang relasyon. Katulad ng relasyon sa pamilya na dapat magmamahalan, tapat at magtutulungan. Pati na din sa ating mga kamag-anak, kapit-bahay at kaibigan. Pag wala ito, walang relasyon ang mabubuo. Ang pagiging tapat sa kapwa ay mahalaga dahil kaya ka nilang paniniwalaan at magtitiwala din sila sayo. Kung palagi kang magsisinungaling, unti-unting mawawala ang tiwala ng mga tao sa sayo. Walang gustong lumapit, gustong makipagkaibigan at relasyon pa. Kapag masimulan mo na ang pagsisinungaling sa kapwa, uulit ulitin mo na ito, hanggang pati ikaw mismo maniniwala na sa kasinungalingan na ginagawa mo. At lalong mahirap na ang magiging sitwasyon dahil sa ginagawa mo. At wala nang magtitiwala at magkakagusto pa. Dapat ugaliing palagi natin ang pagiging tapat. Tapat palagi sa ating mga salita at gawa at sa lahat ng mga tao upang meron pang magtiwala sa atin. Piliin...