PAGTULONG SA AKING PAMILYA

 1. Paggawa ng gawaing bahay

     Sa paraan ng paggawa ng mga gawaing bahay, nabawasan ang trabaho ng mama ko sa pamamagitan ng pagtulong ko sa kanya sa pagwawalis o paglilinis ng bahay, maghuhugas ng plato, magsasampay at magtutupi ng mga damit. Ginagawa ko rin ito kasi gusto ko maging maaliwalas tingnan ang bahay at mas madaling gumalaw.



2. Pagpapasaya sa aking pamilya
     Ang pagpapasaya sa aking pamilya ay isang paraan kung paano mawala ang kanilang lungkot.

3. Pag-aaral ng mabuti 

     Ako ay makakatulong sa aking pamilya kung pagbutihan ko ang aking pag-aaral upang makatapos at magkaroon ng trabaho at sa ganoong paraan makapagbigay ako sa kanila o makabili ng mga kailangan namin sa bahay. At ayaw ko ding sayangin ang paghihirap at pangarap nila para sakin na mapupunta lang ito sa wala. Kaya, sinusubukan ko talagang gagalingan ang aking pag-aaral upang umasenso din ako sa buhay at maabot ang aking pangarap.

   


4. Pag-aalaga sa aking pamangkin

     Ako ay tumutulong mag alaga sa aking pamangkin habang ang kanyang mga magulang ay nasa trabaho. Naglalaro kami at binabantayan ko siya.




 

Comments

Popular posts from this blog

WAR ON DRUGS

How to Submit Tasks to Google Classroom

THE ESSENCE OF FAMILY DAY