MINSAN SA ISANG TAON

     Tayo lahat ay may pinagdadaanan sa buhay. Iba't-iba ang mga problema na ating hinaharap sa araw-araw.  May mga pangarap tayong gusto abutin kaya pinaghihirapan natin ito makuha.

    Ang aking napagtanto sa dokyumentaryo ay na ang swerte ko pala sa buhay. Nakakain ako ng tatlong beses sa araw-araw na iba't-iba ang mga putahe na nasa lamesa at walang kahirap hirap. Habang ang nakita ko sa video na ito ay grabe ang sakripisyo at paghihirap ng pamilya upang makakain lamang. Kahit na kamote ang kanilang kinakain sa araw-araw nagpapasalamat parin sila dahil sila ay nakakain. Namangha ako sa kanilang sakripisyo at diskarte upang maka ahon lang sa buhay.

   Ang video na aking na kita ay nagbigay sakin ng inspirasyon na dapat paghirapan natin ang mga bagay na ating gusto. Ang katumbas ng ating paghihirap ay may magandang resulta. Kaya dapat magpapasalamat tayo sa mga bagay na meron tayo ngayon.


Comments

Popular posts from this blog

WAR ON DRUGS

How to Submit Tasks to Google Classroom

THE ESSENCE OF FAMILY DAY