THE ESSENCE OF FAMILY DAY

     Abril 28, 2024 ay ang aming Family Day. Ipinagdidiriwang namin ito tuwing Linggo kasama ang pamilya. Bago paman ipinagdiriwang ang Family Day ay nagkaroon kami ng isang opening parade para sa opening ng family day at Zumba kung saan kasama namin ang aming magulang sa aktibidad na ito. Sa araw na ito ay nahuli kami sa parade kasi matagal kami nagising. Ang aming naabutan na lamang ay ang zumba at patapos na ito.  Kahit na late kami ng aking mama ay nag enjoy parin kami dalawa at nagkaroon kami ng oras para malibang sa aming buhay at mawala ang aming stress.  

         


       Ang sunod na pangyayari ay ang paglalaro ng mga magulang sa iba't -ibang mga laro tulad ng volleyball, basketball, badminton, at mobile legends. Madaming magulang sa aming baitang ang nakilahok para suportahan ang kanilang mga anak. Nakakatuwa silang makita na sinusuportahan ang kanilang mga anak at talagang pumunta sila sa event kahit na meron silang mga trabaho na kailangan gawin. Nang magsimula ang mga laro ay namangha ako sa kanilang kakayahan parin humamon sa mga aktibidad na ganito kahit na matanda na sila.  Natutuwa ako dahil binibigyan nila ng oras ang kanilang mga sarili na maglibang at malusog  parin ang kanilang mga katawan. 



    Lumipas ang ilang araw ay dumating na ang araw na ipagdidiriwang ang Family Day.  Nagsimula ang aming programa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng misa.  Napakaganda ng wally ng pari dahil pinapaalala niya sa mga pamilya na huwag natin kakalimutan ang Diyos sa mga masasayang panahon at lalong lalo na sa mga pagsubok na ikinahaharap ng ating pamilya.  Bago din matapos ang misa ay biniyayaan kami ng pari at binasbasan ng holy water.  Napakagandang experience to para sa akin dahil maraming pamilya ang nagkakasama at syempre kasama ko din ang aking pamilya upang marinig ang salita ng Panginoon.  Pagkatapos ng misa ay naghanda na kami ng TAG members para sa aming sayaw na ipapakita sa araw na ito.  Kami ay kinabahan dahil tatlong araw lang namin ito ensayo at natatakot kami magkamali.  Pero kahit na kaunting panahon lang kami nag ensayo ay ginawa namin ang aming best upang makabigay nga magandang performance.  Masaya ako dahil maganda parin ang kinalabasan nito at madaming namangha dito.



    Pagkatapos ng sayaw namin ay sobra akong na overwhelmed dahil madaming
nagsasabi na maganda ang naging performance namin.  Ilang minuto ng matapos ang aming sayaw ay napagtanto namin na naka upon nga kami sa making lamesa dahil halos pare-parehas lang ang kulay ng grade 4 at grade 10 kaya't lumipat na kami.  Ang susunod na mga pangyayari ay ang mga iba't -ibang games.
Sobrang natutuwa ako sa unang laro dahil kailangan mong magbihis ng pambabaeng kasuotan at rumampa at ipasa nanaman ito sa susunod na maglalaro.  Nakakatuwa dahil nakilahok talaga ang mga magulang at walang killjoy.  Pagkatapos ng mga laro ay kumain na kami.  Kumuha at sinubukan namin ni mama ang iba't -ibang putahe at nabusog kami.  Habang kumakain kami ay may mga banda na kumakanta upang aliwin ang mga tao kahit kumakain pa sila.




   Pagkatapos ng aming hapunan ay nagbalik na ang programa at nagpakitang gilas na ang mga iba't- ibang pamilya sa kanilang mga talento bilang isang pamilya.  Dito ko napagtanto na kung andito pa lamang ang aking ama ay pwede ko siya makasama sumayaw.  Malungkot man itong isipin ngunit, masaya parin akong makita ang mga iba't-ibang pamilya na sumasayaw at pinapakita ang kanilang mga talento. 
Pagkatapos mag perform ng lahat ay Inihayag na ang nanalo sa pagpapakita nga talento, at sobrang saya ko dahil nanalo ang pamilya ng aking best friend na si Lady. 

   Bago paman nagtapos ang programa ay nagkaroon kami ng disco kasama ang aking mga kaibigan.  Napakasaya ko dahil sa ganitong paraan ay napalapit ako sa kanila at naramdaman ko na andiyan parin sila para sa akin.

   Madami akong natutuhan sa araw na ito.   Naramdaman ko ang presensya ng bawat pamilya at ng aking pamilya na kahit ano mang pagsubok ang kanilang ikinahaharap ay patuloy parin susuporta sa kanilang mga anak.  Masaya ako dahil sa araw ng Family Day ay nagkakaroon ka ng pagiging close mo sa iyong mga magulang at mga kaibigan.  Ito na ang pinakamagandang Family Day na sobrang mamimiss ko at sobrang napamahal ako.










Comments

Popular posts from this blog

WAR ON DRUGS

How to Submit Tasks to Google Classroom