REPLEKSIYON NG BUHAY KO


Look at me
You may think you see
Who I really am
But you'll never know me.


Marami tayong mga nagawa sa ating buhay na napagtanto natin na mali kaso ang mga pagkakamali na nagawa ay hindi natin maibabalik pa.  Magiging aral na ito sa susunod o sa darating na panahon.  Kaya nga siguro kailangan natin mag-isip ng mabuti bago gumawa ng mga hakbang sa buhay. Katulad ng mga gusto natin.  Kaya Ito  ang aking repleksiyon sa aking buhay.  Ang gusto ko sa buhay ay makapagtapos ako sa pag-aaral, magiging proud ang mga magulang ko sa akin, makahanap ng magandang trabaho, maipakita ko ang aking mga talento, magpasaya ng mga tao, makakatulong sa mga taong nangangailangan, magiging malalim ang pagtiwala sa Panginoon, at maglalakbay sa iba't ibang lugar.



Ang talento na gusto ko ibahagi sa aking sarili ay ang pagkanta, pagguhit, pagpinta at ang pagtugtug ng mga instrumento.  Pagkatapos ko ito matutunan, ibabahagi ko ang mga ito sa mahal ko sa buhay at sa mga tao.  Dahil gusto kong magbigay ng inspirasyon sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay at nahihiyang ipakita ang kanilang mga talento.  Hindi naman sa ganon na ikaw ay nagmamayabang ng mga talento mo kung hindi kailangan mo din itong ibahagi sa mga tao.  Kaya dapat hindi ikinakahiya kung ano ang meron ka kasi lahat na yon ay nanggagaling sa Diyos.


Ang mga bagay na nagpapasaya sa akin ay ang makita ang kaligayahan ng bawat isa.
Katulad ng pagsasama naming buong pamilya na masaya at malusog.  Sabay-sabay kumakain at nagdadasal.  Ang pagbibisita sa aking lolo at lola at mga kamag- anak.  Ang pagbibigay ng mga regalo tuwing pasko sa mga batang nangangailangan at sa mga mahirap.  At ang pagkamit ng mataas na grado.




Comments

  1. Maganda ang katangian ipinakita. Alam ko malayo ang iyong mararating.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

WAR ON DRUGS

How to Submit Tasks to Google Classroom

THE ESSENCE OF FAMILY DAY