M I N D A N A O


       Ang Mindanao ay matatagpuan sa timog bahagi ng Pilipinas. Ito ay ang pangalawa sa pinakamalaki na isla sa Pilipinas. Ang Mindanao ay mayaman sa likas na yaman. Masagana sila sa yamang dagat katulad ng iba't ibang klase ng mga isda. Masagana din sila sa prutas, mga mais, palay, magangandang bulaklak at magkakaibang puno katulad ng rubber tree at mga niyugan dahil sa taba ng kanilang lupain. Marami ding magkakaibang klase ng mga hayop na matatagpuan sa mga kagubatan. May mga minahan din katulad ng ginto, langis, at iba pa.


       Ayon sa mga tao, natatakot silang pumunta sa Mindanao dahil sa mga trahedya na nangyari doon. Ako bilang isang youth tourism resource person ang gagawin ko ay kakausapin ko ang pinaka pangulo ng DOT para masabi ko ang gusto kong gawin na sana makagawa pa ng batas upang maliwanagan at magkaintindihan ang mga kapatid nating Muslim at Kristiano. Magdagdag ang ating pamahalaan ng dagdag na suguridad doon. Upang makamit nila ang kapayaan ng mga taong nakatira doon at sa buong bansa. At magsisimula na ulit ang pagtaas ng torismo sa Mindanao.


 
         Ang gagawin ko upang mahikayat ko ang mga turista na pumunta sa Mindanao ay gagawa ako ng mga poster at ilalagay ko sa iba't ibang lugar na maraming tao. Magpopost din ako sa social media tungkol sa kagandahan ng Mindanao. Sasabihin ko kung gaano kaganda ang mga tanawin nila, gaano ka simple ang buhay nila, at kung gaano kasarap ang kanilang mga pagkaing sariwa. Ipapakita ko din ang mga kultura sa Mindanao at paano ang pamumuhay ng mga tao doon. Kaya punta na tayo at masubukan ang buhay sa Mindanao.




Comments

Popular posts from this blog

WAR ON DRUGS

How to Submit Tasks to Google Classroom

THE ESSENCE OF FAMILY DAY