KWENTONG BAYAN
MUNICIPAL BUILDING OF GINATILAN
Ang ibabahagi ko sa inyo ay isang kwentong bayan nagmula sa timog ng probinsya ng Cebu kung saan ang aking mama ay pinanganak at lumaki. Ang kwento ng bagong munisipyo sa Ginatilan, Cebu na tinayo noong 2000.
Ito ang kwento nila sa amin, mayroong isang malaki at matandang puno ng Akasya sa likuran ng lumang gusali ng munisipyo. Ang pamahalaang lokal ng nasabing bayan, ay nagpasyang magpatayo ng panibagong munisipyo sa may tabi nito. Napagdesisyonan ng inhinyero na putulin ang ilan sa mga sanga ng puno ng akasya upang maayos at makagawa sila sa nasabing proyekto. Pagkatapos putulin ang ilan sa mga sanga, ang mga tunog ng mga plato na nagbabagsakan ang kanilang naririnig. Pagkatapos na nangyayari 'yon, lumipas ang ilang buwan, karamihan sa mga empleyado sa naturang munisipyo ay nakakaranas ng matinding karamdaman habang ang ilan ay namamatay. Ang iba pang mga lokal ay na-trauma, kaya't nag-alok sila ng ilang pagkain sa ilalim ng puno bilang tanda ng paghingi ng tawad. Maraming nagsabi ng mga tao nagmula sa iba`t ibang lugar na bumisita sa aming bayan sa Ginatilan, na may napakalaki, maganda at matikas na bahay sa likuran ng gusali ng munisipyo kahit na wala nalang nakatayo doon.
Dapat nating palagi alagaan ang ating likas na yaman kasama na nito ang mga matatandang puno tulad ng Akasya, kasi nagbibigay ito ng lilim, tubig, at sariwang hangin. Pag isipang mabuti at ikunsulta sa mga eksperto bago gumawa ng hakbang. Kailangan talaga alagaan ang mga puno dahil hindi lang ang mga tao ang nakikinabang dito kundi na rin ang mga hayop at mga di nakikitang nilalang. Ginagamit nila ang mga punong kahoy upang pag silungan, pagmulan ng pagkain, at bilang tirahan nila.
Comments
Post a Comment