Posts

Showing posts from February, 2021

NASYONALISMO SA MAKABAGONG PANAHON

Image
 Ito ang aking paraan upang mapakita ko ang aking pagmamahal sa bansang Pilipinas. 1. Pagbisita sa mga makasaysayang lugar.            Bumisita ako sa "Monumento ng Parian". Ito ay matatagpuan sa Barangay Parian, Cebu City malapit sa daang Colon na itinuturing "oldest street" sa buong bansa kung saan nakaukit ang kasaysayan ng Cebu sa panahon ng mga Kastila. Isa ito sa makasaysayang lugar sa Pilipinas at lalo na dito sa Cebu.             Napuntahan ko din ang isa sa pinakalumang bahay ang "Yap-San Diego Ancestral House" kung saan makikita mo ang mga kagamitan ng mga sinaunang tao.            Ipinakilala ko ito sa mga dayuhan sa pamamagitan ng pagpost sa social media para din bumisita ang mga tao lalo na dito sa Cebu at makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa ating probinsya.  2. Pagsusuot ng Filipiniana.             Ako ay nagsusuot ng Filipiniana sa panahon ng "Buwan ng Wika" upang maipakita ko na ako ay tunay na Pilipino. Ang buwan ng wik

ANG AKING PANGARAP

Image
              Naniniwala ako sa kasabihan na "lahat ng bagay, pinaghihirapan di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan". Pinaniniwalaan ko ito kasi paghindi mo paghihirapan ang gusto mo sa buhay hindi mo ito makakamit o maabot. Mahirap man ang pumili ng kurso pero sa huli kailangan mo paring pagdesisyonan kung ano ba talaga ang iyong gusto upang mabigyan ng direksyon ang kinabukasan natin. Kasi kung nakapili ka ng kurso na hindi mo gusto, ito ay iyong pagsisisihan sa huli at dahilan ng palipat-lipat ka nalang ng paiba-ibang kurso hangga't mawalan ka ng ganang mag-aral at maraming pera at oras ang masasayang.      Madami akong gustong makamit sa buhay na gusto kung tuparin pero bago ko ito matutupad kailangan ko munang pagsikapan ang aking pag-aaral ng mabuti upang matupad ko ito. Ang unang gusto kong matupad ay sana makapagtapos ako sa aking pag aaral at maging isang ganap na parmasyutiko. Mahirap man itong kurso na ito pero pagsisikapan ko ito upan

FAMILY PORTRAIT

Image
#ASIANISTAFAMILYCONNECTEDBYHEART ~Families are like branches on a tree. We grow in different directions yet our root remain as one.~ This is our portrait for family day in ACT Bulacao. :)