ANG AKING PANGARAP
Naniniwala ako sa kasabihan na "lahat ng bagay, pinaghihirapan di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan". Pinaniniwalaan ko ito kasi paghindi mo paghihirapan ang gusto mo sa buhay hindi mo ito makakamit o maabot. Mahirap man ang pumili ng kurso pero sa huli kailangan mo paring pagdesisyonan kung ano ba talaga ang iyong gusto upang mabigyan ng direksyon ang kinabukasan natin. Kasi kung nakapili ka ng kurso na hindi mo gusto, ito ay iyong pagsisisihan sa huli at dahilan ng palipat-lipat ka nalang ng paiba-ibang kurso hangga't mawalan ka ng ganang mag-aral at maraming pera at oras ang masasayang.
Madami akong gustong makamit sa buhay na gusto kung tuparin pero bago ko ito matutupad kailangan ko munang pagsikapan ang aking pag-aaral ng mabuti upang matupad ko ito. Ang unang gusto kong matupad ay sana makapagtapos ako sa aking pag aaral at maging isang ganap na parmasyutiko. Mahirap man itong kurso na ito pero pagsisikapan ko ito upang meron akong madating sa buhay at hindi masasayang ang mga pinag aralan ko at makakatulong din ako sa iba lalo na sa may mga sakit na makapagbigay ng tamang gamot na nasa tamang halaga. At dahil din dun matutulungan ko din ang aking pamilya sa pinansyal na paraan at kung sino pa ang may nangangailangan.
Dapat bigyan ng direksyon ang buhay natin upang makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, pagtitiyaga, dasal at tiwala sa Poong Maykapal at gawing inspirasyon ang ating mga pamilya upang makamit o maabot ang ating tagumpay at magiging inspirasyon sa ibang tao.
Comments
Post a Comment