NASYONALISMO SA MAKABAGONG PANAHON
Ito ang aking paraan upang mapakita ko ang aking pagmamahal sa bansang Pilipinas.
1. Pagbisita sa mga makasaysayang lugar.
Bumisita ako sa "Monumento ng Parian". Ito ay matatagpuan sa Barangay Parian, Cebu City malapit sa daang Colon na itinuturing "oldest street" sa buong bansa kung saan nakaukit ang kasaysayan ng Cebu sa panahon ng mga Kastila. Isa ito sa makasaysayang lugar sa Pilipinas at lalo na dito sa Cebu.
Napuntahan ko din ang isa sa pinakalumang bahay ang "Yap-San Diego Ancestral House" kung saan makikita mo ang mga kagamitan ng mga sinaunang tao.
Ipinakilala ko ito sa mga dayuhan sa pamamagitan ng pagpost sa social media para din bumisita ang mga tao lalo na dito sa Cebu at makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa ating probinsya.
2. Pagsusuot ng Filipiniana.
Ako ay nagsusuot ng Filipiniana sa panahon ng "Buwan ng Wika" upang maipakita ko na ako ay tunay na Pilipino. Ang buwan ng wika ay pinagdidiriwang tuwing Agosto. Ipinagdidiriwang ito sa ating bansa dahil sa araw na ito idineklara ni Manuel L. Quezon ang "ama ng wika Pilipino" na ang wika Pilipino ang magiging linguahe ng ating bansa. At dito din ipipapikita o pinipresenta ang ating mga katutubong kultura, pagkaing Pilipino, pagsasayaw ng katutubong sayaw, pagsusuot ng ating pambansang kasuotan at iba pa.
Comments
Post a Comment