SEVEN SUNDAYS FILM REVIEW
PANIMULA O INTRODUKSIYON
Ang aking napanuod na pelikula ay "Seven Sundays". Ang direktor sa pelikulang ito ay si Ms. Cathy Garcia Molina. Pinalabas ito noong Oktubre 11, 2017. Itong pelikulang ito ay naganap sa Tagaytay. Ang tinutukoy dito sa kwento ay ang kanilang papa na may sakit sa baga at ilang linggo nalang ito mabubuhay o may taning na buhay nito. Dahil sa kalagayan ng ama, gusto niyang makasama ang kaniyang mga anak sa mga huling sandali ng kanyang buhay at magkaayos ang mga ito.
BUOD
Sa simula ng kwento noong mga bata pa sila, na nabubuhay pa ang kanilang ina na yumayapa na, may isa silang lalagyan na doon nila ilalagay ang kanilang mensahe, nararamdaman o mga gusto balang araw para sa kanilang ama na nasa ibang bansa na nagtatrabaho. Lumipas ang ilang taon, malaki na sila at ang iba sa kanila ay may pamilya at ang iba naman ay abala sa kanilang mga trabaho. Ang kasama nalang ng kanilang ama ay ang tiyuhin nila. Isang araw, kaarawan ng kanilang tatay at umasa siya na darating ang kanyang mga anak, kaso hindi sila nakapunta dahil sa sobrang abala sa kanya-kanyang buhay. Nalungkot ang kanilang ama dahil sa espesyal na araw wala ang kanyang mga anak. Sa araw ng kaarawan niya dumating ang doktor at merong masamang balita na meron siyang sakit sa baga at may taning na ang kanyang buhay. Pagkatapos ay ibinalita agad niya ito sa kanyang mga anak. Napag-usapan nila na linggo nalang sila magkikita dahil sobrang abala ang kanyang mga anak sa kanilang trabaho. Nagkikita na sila bawat linggo. Habang tumatagal mas nakilala nila ang isa't-isa at mas nalalaman ang mga kanilang pinagdadaanan sa buhay. Isang araw, naibalita ng doktor na wala naman pala siyang sakit sa baga, nagulat ang kanilang ama at hindi alam kung paano sasabihin sa kanyang mga anak kasi baka hindi na pumunta ang kanyang mga anak pag Linggo at iwan siya ulit. Hanggang sa nagka alam-alaman na sila ng kanilang mga sekreto. Nagkasagutan sila at biglang umalis paisa- isa. Madami ang nangyari pagkatapos noong araw na iyon. Nagkapatawaran din sila pagkatapos at nagtulung-tulongan na sila sa lahat ng problemang dumating. Dahil dito na lutas nila ang kanilang mga problema bilang isang pamilya.
PAGSUSURI
Ang aking natutunan sa kwento ay dapat magbigay ng panahon sa magulang kahit gaano ka pa ka abala sa trabaho, kailangan mo pa rin sila bigyang pansin lalo na sa kwento na nag-iisa nalang ang kanilang magulang. At dapat hindi nag-aaway at nagtutulungan palagi. Ang aking reaksyon sa kwento ay pahalo ng saya at lungkot katulad ng buhay natin na minsan tayo ay masaya at naglilibang pero meron ding dadaang matinding pagsubok na kailangan natin harapin.
KONKLUSIYON
Inirerekomenda ko sa mga tao na manuod nito kasi ito ay isang magandang pelikula tungkol sa pamilya, ikaw ay maiiyak, matatawa at mapapagtanto mo na ang pamilya ang pinakamahalagang regalo sa atin ng Panginoong Diyos. Matututunan mo sa kwentong ito ang diwa at halaga ng pamilya at kung paano tayo lahat ay kailangan magtulungan at magkaintindihan upang malagpasan natin ang ating mga problema.
Comments
Post a Comment