MUNICIPAL BUILDING OF GINATILAN Ang ibabahagi ko sa inyo ay isang kwentong bayan nagmula sa timog ng probinsya ng Cebu kung saan ang aking mama ay pinanganak at lumaki. Ang kwento ng bagong munisipyo sa Ginatilan, Cebu na tinayo noong 2000. Ito ang kwento nila sa amin, mayroong isang malaki at matandang puno ng Akasya sa likuran ng lumang gusali ng munisipyo. Ang pamahalaang lokal ng nasabing bayan, ay nagpasyang magpatayo ng panibagong munisipyo sa may tabi nito. Napagdesisyonan ng inhinyero na putulin ang ilan sa mga sanga ng puno ng akasya upang maayos at makagawa sila sa nasabing proyekto. Pagkatapos putulin ang ilan sa mga sanga, ang mga tunog ng mga plato na nagbabagsakan ang kanilang naririnig. Pagkatapos na nangyayari 'yon, lumipas ang ilang buwan, karamihan sa mga empleyado sa naturang munisipyo ay nakakaranas ng matinding karamdaman habang ang ilan ay namamatay. Ang iba pang mga lokal ay na-trauma, kaya't nag-alok sila ng ilang pagkain sa...